Just now, nagkaharap-harap kami ng partner ko with our barangay officials, my mother and my live-in partner (LIP) or should I say ex-live-in partner. I was physicâlly and verbâlly âbûsêd by him. Meron akong dalawang anak from my previous husband na both in high school. Yung husband ko is pâtây na. Hindi pa kami magkarelasyon ng LIP ko is alam na niya na may anak na ako.
Sa una, smooth naman relasyon namin. Graduate ako ng college, si LIP ay hindi. Pero masipag siya at maraming skills kaya hindi nawawalan ng trabaho. Nabuntis ako at nagkaroon ng twins na anak kay LIP na ngayon ay 3 years old na.
Palagi niya akong sinasabihan ng masasakit na salita like, “walang kwentâ”, “hindi ka makapagtrabaho kasi malâki katâwan mo pero utâk mo ang liit”, at marami pang iba. Aaminin ko, naging t*nga talaga ako, hindi ako masyadong mabait, masyado lang akong nagpakat*nga.
3 days ago, around 11 pm, dumating siyang lasing. Lahat ng pwedeng iinsulto sa isang babae ay ginawa niya. Ibinibentâ ko raw kâtâwan ko, palâmunin daw ako, wala akong kwenta kasi wala akong trabaho. P0kp0k daw ako kasi may dalawang anak ako sa ibang lalaki, which is dati pa naman niya alam yun.
Totoo, wala akong trabaho ngayon dahil na rin sa anak kong kambal na 3 years old. Nakapagtrabaho ako dati as teller kasi wala pang face-to-face class yung mga dalaga kong anak.
Until the next day, habang nagre-ready ako ng breakfast, lahat ng masasakit na salita niya ay paulit-ulit na bumabalik at nagre-replay sa utak ko habang hawak ko ang kûts*lyô, sâs4ks4kîn ko na dapat siya non, e hindi ako pinabayaan ni Lord, gumising ang bunso kong anak at natauhan ako.
Takot na takot ako para sa sarili ko at para sa mga anak ko. What if hindi gumising ang anak ko, baka naging krîmînâl na ako, paano na lang ang mga anak ko kung wala ako?
The next night, lasing na naman siya, same pa rin ang ginawa niya, accusing me of being a “burikât” (in Tagalog, malândi) dahil may anak na raw ako sa iba. Bago pa dumilim ang pâningin ko, umalis agad ako sa bahay. 1 am yun nangyari, pero pumunta ako sa police station para i-assist ako para makuha ang mga anak ko.
Ngayon, nakapagdesisyon na talaga ako na makipaghiwalay. Sana bumalik na yung dating self-confidence ko na sinira niya.
Ganon ba talaga ang ibang lalaki, just because may anak na kami dati sa ibang lalaki, e ang baba na ng tingin niyo sa amin? Just because mas pinili namin mag-stay sa bahay para alagaan ang mga anak namin, e wala na kming kwenta?
Yung taong akala mong mag-aalaga sa ‘yo, yun pala ang taong uubos sa respeto mo sa sarili at uubos sa katinuan mo.
Vie, 2018, Education, *Confidential
*do not copy/paste this content on any platform
Grabi
Tama lang na hiwalayan mo siya. Huwag ka mag-settle sa ganyang lalake. Sana bumalik na confidence mo
Maka yw lage imo ex-lip ateee ayh
Ate ko mismo may dalawang anak sa mag kaibang lalaki and parehas na hindi nagpakatatay yung dalawang yun. Sabi pa ni ate nun “hindi ako titigil hahanap ng lalakeng kayang magpakatatay sa mga anak ko”. Luckily she found a man na nagpapakatatay sa mga anak niya, at siya naman ay nagpapakananay sa mga anak ng partner niya✨
To you sender, praying na sana maging ok ang lahat sayo. Alam kong hindi madali. Pero sana kayanin mo, para sa mga anak mo at para sa sarili mo 🫶💕
makakabangon ka din 🖤
Tama yung ginawa mo sender!! Magpaka strong ka para sa mga anak mo🧡
sana di aq makahanap ng ganyan .. i have 2 kids single mom ..
Tama ang desisyon mo sender! Focus nalang muna sa mga kids at wag muna hanapin ang para sayo darating din yan sa tamang panahon
Dahil dito mas natakot akong pumili ng lalaking mamahalin. Sabi nga nila, madali makahanap ng lalaking mamahalin pero ang aalagaan ka hanggang huli, mahirap hanapin. You choose the right decision na iwan sya.
ganyan talaga mga lalaki , paswertehan nlg talaga at palakasan kay kupido hahaha. Goodluck te , tama lg na iniwan mo yan at di mo yan deserve.
Kagigil
pakshet siya
you did the right decision sender
Kaya natatakot na ko ulit pumasok sa isang relasyon eh, what if gan’yan mangyare sa’kin? Kaya ko namang buhayin mag isa anak ko, kaya ko namang sumaya kahit walang lalaki sa buhay ko. Sa mga naranasan ko rin sa ama ng anak ko na may anak sa una, grabe kung pag salitaan ako na parang ako pa yung marumi kesa sakanya na andaming tinakbuhang anak para lang matawag na binata. Samantalang ako hindi lang virgin na napunta sakanya kasi nagmahal ako ng ilang beses at nabigo.
Kaya ayoko nang magjowa ulit just in case na maghiwalay kami ng tatay ng junakis ko. Ayoko nang ganitong issue. Mas maganda pang alagaan mo na lang ang mga anak mo kesa mastress ka pa.
Naa koy anak sa una nakung lip, din karun naa npud koy ka live-in dili ingun ana akong lip karun. Pro sad lang ko kay medyo di niya dawat ako anak sauna, rason niya kay naa pa daw ang amahan sa bata . Sa emu sender naa pa laki mo dawat nemu ug sa emung mga anak, salig lang tanan sa ginoo. Maayo gne kay wala rpud ka nagpaka martyr sa laki. God bless sender
tama lang ang ginawa mo sender, hindi kailangan mag tiis sa lalaking walang modo
Ako may anak ako now sa pagkadalaga pero d pa ko nag Asawa 4yers old na anak ko lalake .. Mas inisip ko nalang anak ko Muna now kesa mag Asawa ako ulit , Kaya sau sender Sana bumalik na ung confidence mo sa srli mo ☺️☺️☺️
Laban lang po ate.. andyan mga anak mo focus ka nalang po sa kanila..
Hi sender, i feel what you feel, my ex partner lowered my self esteem, naubos confidence ko dahil tinawag nya akong malandi at makati when in fact sya tong kating kati sa sex, He called me like that dahil daw cheater ako when in fact what i’ve done isn’t a cheating. Goodbye and thank you Mr. Engineering i’m on my better version now, kasama ka sana sa pagiging better person ko kaso kasuklam suklam ugali mo eh. Well d mo naman deserve better version ko, basura ka eh, deserve mo yung toxic treatment.. oh before i forgot nga pala, naging toxic lang naman ako dahil sa mga kahayupan mo tapos nung naging toxic ka sinabi mo naging toxic ka dahil sakin… Ang kapal.
same with my lip .may anak din aq sa una pero alm nya un bago palang kme magsma . pero ngaun may anak na kame nakalimutan nyang may anak ako sa una at ang masakit don lagi nya akong sinusumbatan sobrang sakit sken para akong dinudurog . tapos nag rarant sya sa mga kapatid nya pero nalalaman q kc cnasbi din sken ng kapatid nya na gusto dw pala nya ay dalaga . napakatanga noh pagkatapos namin magkaanak gusto nya palay dalaga . hahahahhaha shutaaa bakit kau ganan sming may mga anak sa una . napaka unfair nyo 🙃
Grabee Hindi mo deserve Yung ganyan sender tama lg na hiniwalayan mo sya pwede namang sa anak mo nalang ikaw tumutok grabe trauma yang ginawa nya sayo nanjan Naman mga anak mo mas liligaya ka sakanila Ibaon mo nalang sa limot lahat yang nangyari sayo!
One of the reasons kung bkt naiisip ko na kung dumating yung panahon na kailangan namin maghiwalay ng LIP ko ay hindi ko na gugustuhin mag-asawa o magkaroon ng bagong LIP. Alam kong hindi lahat ng lalaki pare-pareho, pero di ko na gugustuhin na paulit-ulit na masaktan kakahanap o kahihintay sa lalaking yun.
tama ang desisyon mo sender kesa naman habang lumalaki ang mga bata is magsuffer, magkaroon pa ng trauma…
THIS IS ONE OF THE REASONS WHY ANG IBANG MGA BABAE IS NAGTITIIS SA MGA PARTNER NILA. ALAM NILA KASI MAY MGA LALAKING GANITO MAG ISIP NA SA UNA LANG TALAGA OKAY PERO PAG NAKUHA NA LOOB MO ISUSUMBAT NA SAYO LAHAT! TO ALL BOYS NA GANITO MAG ISIP OO BOYS KASI PUTANGINA NIYO! AKALA NIYO KUNG SINO KAYO BAKIT? ANO BA NA AMBAG NIYO SA MUNDO? BAGO NIYO SANA SUMBAT SUMBATAN MGA PARTNER NIYO AT PAGSABIHAN NG MGA MASASAMA ISIPIN NIYO SA BABAE DIN KAYO NANGGALING! BABAE RIN ANG NAGPALAKI SA INYO AT NAG ARUGA MULA MUSMOS PALANG KAYO! TANGINA NIYO! MGA HAYOP KAYO! DAPAT TALAGA SENDER SINAKSAK MONA ANG HAYOP NA YAN! DI NAMAN NIYA DESERVE MABUHAY EH!
Ay hayaan mo na yang lalake na yan!..mahalaga na lang ay ikaw at ang mga anak mo❤️💪.
TULOY MO SYANG KASUHAN PLEASE. KAHIT MAGMAKAAWA YAN AT DI NYA DAW SINASADYA KUNO, GO MO MAMSH PLEASE. PARA SA PEACE OF MIND NYO NG NGA ANAK MO. GOD BLESS YOU! LAGI KANG GINAGABAYAN NI LORD SENDER.
grabe naman
Panindigan mu pag iwan sa kanya at tumayo ka sa sariLi mong paa. Focus ka sa kiddoes en work kaya mu yan sender sa una Lang mhrp pero katagaL magiging ok din ang Lahat..
Di Lahat ng buo pamiLya masaya kaya mas ok pang humiwaLay ksma ang mga anak hayaan mu xa wag kana makipag baLikan kht anung pagpapaawa pa en cut all communication to him kung me kaiLangan para sa mga bata idaan sa maguLang ir pwd pakisuyuan.. wag hayaan na maabuso Lalo sa msskit na saLita.. at kung sure ka iiwan ang toxic na reLasyon mu cguraduhin na mas mapapabuti ka wag di ung magpapaka pariwara ka din.. WaLa kang taLo pag inuna mu ang mga anak mu kaya sender.. 💞
Tama lang po na hiniwalayan mo na yan kasi walang kwenta yung mga taong ganyan.
ang hirap nga magsettle na lang agad agad. as a single mom natatakot talaga ako baka kasi sa huli isusumbat lang din yung tungkol sa past ko. As much as possible iniingatan kong wag makakuha ng another bato na ipupokpok ko na naman sa ulo ko.🥺Kay sender, unahin mo mga anak mo and cheers sa atin. Stay strong👍
Virtual hugs po 🤗 deserve mo maging masaya. Hanapin mo po un love ni Lord and unti unti Ka nya iheheal. Godbless po
Good decision sender. Di mo kailangan makisama sa taong di marunong rumespeto. Time will come na makakahanap ka ng taong magmamahal sayo at kaya kang irespeto. For now,focus ka po muna sa mga anak mo🙂.
Hugssd miii, tama yang desisyon mo. Believe me mas madaling walang lalaki sa buhay kesa ganyan makasama mk. Mahirap sa umpisa pero later on marerealize mo na worth it ❤️
Siguro sender mag focus ka muna sa mga anak mo kasi may dadating din na tamang lalaki sa buhay mo, malay mo marealize mo na masarap palang maging single kasi wala kang pakikisamahang ibang ugali mga anak mo lang.
To all the girls out there, pag hindi na kayo nirirespeto matuto kayong kumawala kasi hindi kayo lumaki para tapakan lang ng ibang tao
hes insane tama lang po na hiniwalayan mona xa kesa ganyan apakagago lang eh jusko man now a days ewan
Naku sender mas okay yang ginawa mo na iniwan mo sya. Mahirap maging isang ina tapos iinsultuhin ka nya. Mahalin mo nalang sarili mo at mga anak mo. Hindi sya kawalan sender. Kakayanin mo makabangon ulit kasi nandyan ang mga anak mo na magiging lakas mo 😊.