Breadwinner ako sa amin, dalawa lang kaming magkapatid. I do feel like pinag-aral lang ako as investment, etong kapatid ko hindi nag-aral. Kahit kasi may sarili na akong pamilya ngayon, ako pa rin ang inaasahan nilang lahat.
Retired seafarer ang tatay ko pero ang na-ipon niya ay hindi ari-arian (nabenta pa nga ang lahat ) kundi utang. Utang na ako ang hinahabol dahil karamihan ay sa akin ipinangalan dahil lisensyadong guro ako (wala na kasing work si papa kaya sabi niya sa akin ipangalan ang utang para malinis din record niya, 22-year-old ako nun, pinirmahan ko rin).
Ayaw ko na. Pagod na pagod na ako buhatin ang lahat ng problema nila. Don’t get me wrong, mahal ko sila pero ayaw ko na! Awang-awa na ako sa sarili ko. Halip na nag-iimbak na ako para sa amin ng asawa at mga anak ko, lalo akong bumabaon dahil sa utang ng mga magulang ko.
May pinasanlang titulo na may bahay, tapos may lending din, nasa kalahating milyon po yung loan, tapos ako rin gumagastos sa araw-araw pati bills. Hindi alam ng asawa ko na sa kin nakapangalan ang loan, hindi ko sinasabi kasi bukod sa pag-aawayan namin ay mahina rin siya magdala ng problema kaya sinasarili ko na lang. Ang titulo naman ay ako lang inaasahan na tumubos dahil ako lang po ang may trabaho.
Tinry ko ipapangalan ulit sa tatay ko yung loan pero as for my father, hindi na pumayag ang lending corporation dahil alam nila na wala ng trabaho si papa. Ako ang naipit dahil ako ang may trabaho. Teacher ako, pero baon na baon sa loan dahil ako may sagot sa lahat lahat, nagpagawa ng ng bahay at gastos sa mga hospitalizations gaya ng na-stroke ang papa at na-oospital ang mga anak ko (kamalas).
Ang sinusweldo ko, kulang pa sa gatas at pang-diaper ng dalawa kong anak. Bukas po panigurado nandito na na naman ang mga taga-lending or worse puntahan ako sa school. Ang hirap lang po na ako lang inaasahan ng lahat. Hindi ko na po kaya ang mga isipin. Akala nila ayos lang ako at patawa-tawa, pero tong s**c*dal thoughts ko, lumalala na.
Hindi akin yung mga utang pero ako ang nagsho-shoulder, ako yung nagsa-suff€r. Nakaka-isip na ako magpak*m*tay dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan pa huhugot para mabayaran ang lahat, hanggang ngayon tuloy pa rin ang pangungutang ng nanay ko. Hindi ko alam kung saan hihingi ng tulong para mabayaran ang lahat. Gusto ko na m*m*tay para matapos na pero gusto kong lumaban alang-alang sa mga anak ko.
Ma’am, 20**, Educ, *Confidential
*do not copy/paste this content on any platform
ang hirap ng dinanas mo ngayon ma’am at hindi rin madali maging guro kasi hindi lang parents mo at saka sarili mong pamilya rin ang aalagaan mo kundi mga estudyante rin ma’am graveh nakakaproud po kayo, ma’am… pero okay ka lang ba ma’am sa ngayon?sana okay ka lang ma’am… naawa na ako sa sarili mo maam… walang masama ma’am kung magsabi ka ng saloobin mo dahil yun ang nararapat, wag muna naman aabutin na iba nanaman ang iisipin mo maam dahil may mga tao parin ang nandyan sayo para ka umangat ma’am at saka wala din masama na magsabi ka sa asawa maam pero niligay mo dyan nahihirapan yung asawa mo sa mga problema kaya hindi mo nalang sinabi sakanya (tama baa ako?) anyway ma’am, nasayo lang po ang desisyon yan pero wala naman masama kung ipahiwating mo sakanila ang iyong saloobin at kung ano man ang sasabihin nila sayo, wag mo na lang pa epektuha ang sarili mo sa mga sinasabi nila pero hindi talaga madali yan kasi emotionally po ay ito po ay pinakasakit sa lahat kasi it repeats inside your head until mawawala ka nasa sarili mo. I suggest po ma’am tell them about this ma’am… hindi sila titigil aasa sayo kapag hindi mo pagsabihan sila pero maam kung sasabihin mo man sila sana gawin mo ng aksyon dahil walang silbi ang sinasabi kung walang ginawang aksyon maam. love urself maam wala naman masama dun. pero nasayo lang ang desisyon… All I can say you’re pretty,strong, and understandble independent woman. Helping a hand with others are goods however, ur kindness and understandble with them is something should be appreciete not like your just something else. We are hoping you have a decisions that will benefits u a lot ma’am i hope this can help. I’m so proud of you, Ma’am. You’re truly a wonderful woman!
Sa true ito at the age of 21 nagkautang ako ng 33k dahil sa business partner na nakialam yung jowa niya, binawi lang din yung puhunan na binigay niya. Monthly namin binabayaran ng partner ko, sa awa ng Diyos nakalahati naman na namin.
Maistress ka talaga, lalo na kapag iniisip mo na image mo ang nadadamay. Hays. Keep going sender. Ang pera nahahanap pero ang buhay hindi na maibabalik pa.
Jusko, teacher din ako pero ang hirap talaga pag sa atin lahat nakaasa dahil tayo ay may maayos na trabaho. NAPAKABABA NG SAHOD NH TEACHER DITO SA PILIPINAS SA TOTOO LANG. DAMING PAPERWORKS SA PUBLIC PERO YUNG SAHOD KAKAPURAT.
Bat mo naman kasi penermahan sender. 22 kana nun may pag iisip kana.
down na nga lalo mo pa inistress, magulang nya yun kaya at the age of 22 kung mabait ka sumusunod pa din sa magulang. walang kasalanan si sender, yung mga walang awang magulang ang dapat tumutulong satin umangat pero may iba na wala ha awa
Pag may nangyari sayo mapapasa sa mister at sa mga anak mo yun, maiging kausapin mo na ang nanay at tatay mo na tumigil na sila. Bayaran mo ang mga utang pero nd mo na sagot ang expenses nila. Ang sagot mo lang is utang. Sobra na sila. Utang ng utang na idinadagdag sayo. Need mo maging firm no matter what kahit magalit sila.
nakakarelate ako 😔😔 hundred thousands din naiwang utang ng mother ko bago sya makapag abroad as DH halos ako din nag shoulder lahat may kuya ako na maganda ang kita pero walang pakelam sa utang ng mother namin .. kaya ako talaga lahat may asawa ako pero wala pang anak 2 trabaho sa isang araw makahulog lang linggo linggo 5,000 weekly to 6000 weekly need ko iraos linggo linggo … napakahirap sa totoo lang as of now nag huhulog pa rin ako but thanks to God nakakaraos na at maliit na halaga na lang kailangan ko bayaran … hindi pa sya nakakapag padala dhil gusto nya isang bagsakan … pero ayaw pumayag ng mga lending at ibang pinag kakautangan na hindi sila mahulugan weekly 🥴🥴🥴
Sender hindi ko man nararanasan yung nangyayare sayo ngayon, but please hold on. Para sa mga anak mo, para sa Diyos. Baka pwede ka makahingi ng tulong sa mga public lawyers regarding sa situation mo na saiyo ipinangalan ang mga utang. Kasi desurve mo ng peace of mind. Maybe it’s time na din to set boundaries sa parents mo, like hindi pwedeng iyo lahat, ako mo lahat lalo at may family kana. Kelangan mapagtulungan nyong magkapatid. It’s for him/her to make an action to help his/her family too. Sabihin mo yung thoughts mo, suicidal thoughts mo, para masampal sila ng katotohanan kung gaano ka na kapagod. Kung mahal ka nila, maintindihan nila at aaksyon na sila sa problema. But if they still don’t, better to leave them behind. I mean yes, they are your parents, pero iba iba ang ” magulang ” e. May magulang na alam kang unawain, tutulungan at mahal ka talaga , sa magulang na ilulugmok ka, pahihirapan ka, papagurin ka mentally, emotionally, financially and worst spiritually. We deserve what we tolerate. Keep distance, huminga ka sender. Maikli lang buhay ng tao dont waste all your life sa pag hahandle lang ng problema. If your husband is too weak to handle your matters, teach him to be tough. Problems of married couples shouldnt be handle by one alone, dapat tulungan kayo.
Di nmn masama maglabas Ng saloobin Gawin mo yan sa parent mo para alam nila Ang kalagayan mo. Matotong tumanggi Lalo na at di mo na sila obligasyon, pwedi magbigay pero di lahat. Wag mo sayangin Ang Buhay mo sa gnyang problema laban lang .
Kausapin nyo po ma’am ang inyong mga magulang especially your mom dahil patuloy parin syang nangungutang. May sarili kana pong pamilya ang pagtulong sa magulang ay kahit sa maliit na halaga at pag abot abot yun na. Pero ang pag shoulder ng lahat ay hindi nadadapat knowing na may pamilya kana po.