“Gusto niya raw ng anak pero ‘di mo siya mabigyan, gusto niya raw ng pamilya,” sabi sa ‘kin ng workmate ng asawa ko… –Sender

7 years na kami ng husband ko. May pinapagawa kaming bahay pero hindi pa tapos kaya dito muna kami tumira sa mama niya. One time, nawalan siya ng trabaho dahil nagkaproblema siya at ang boss niya. 2 months siyang unemployed, pero ok lang kasi alam ko na hindi naman niya ginusto ang nangyari sa huling trabaho niya.

At kahit papaano ay may kita naman ako sa pagiging online seller ko. Di nagtagal ay nagka-work siya sa isang company. Sila yung taga-activate ng mga wifi sa iba’t ibang lugar. 7:30 AM ang pasok niya. Di na siya nag-aalmusal dito sa bahay kasi free lahat sa work niya mula breakfast, lunch, at merienda.


Maayos naman ang trabaho at sahod niya. May mga GC sila na work related lahat. Chine-ckeck ko naman ang account niya kaya nakikita kong puro lalaki ang nasa GC. Hanggang isang gabi habang tulog siya, may nag-friend request sa kanya. Nathalia ang name. Babae. Sobrang nag-overthink ako dahil pag-open ko ng profile ay 10 sa mga ka-work nilang lalaki ay mutual friends niya. In-accept ko dahil may gusto akong ikumpirma.

Nakita ko na may anak ito na isang babae at nakalagay sa description niya ay single mom daw siya. Sobrang lakas ng kutob ko. Na may nangyayaring hindi maganda. Nag-chat ako sa babae gamit ang account ng asawa ko. “Hey,” yun lang ang una kong chat, and after 5 minutes ay nag-seen siya. Yes, seen muna at walang reply. Nag-chat ako ulit, “Ayos na ba wifi n’yo?” At boom, doon siya nag-reply, “Oo, salamat. Haha!” Binura ko ang chat na iyon at ni-restrict ang account ng babae.


Hindi ko kinompronta ang asawa ko dahil napakababaw ng dahilan at magmumukha lang akong desperada kapag ginawa ko iyon. Lumipas ang mga buwan, naisipan kong i-check ang account ng asawa ko. At nakita kong nagkaka-chat na sila ni Nathalie at sobrang sweet nila. Doon ko na kinompronta ang husband ko. Gusto kong maiyak pero nanginginig lang ako at walang lumalabas na luha.

“Totoo lahat ‘yan. Ayoko nang magtago sa ‘yo. Gusto ko na siya,” sagot niya. Para akong nabingi. Walang bahid ng pagsisisi sa mukha niya. Napaupo ako sa sahig. Di ako makapag-react, para akong nananaginip. “Kailan pa?” yun lang ang naitanong ko. “Tatlong buwan na, nakita ko sa kanya ang pag-aaruga, lahat ng pagkukulang mo siya ang nagpupuno.” Napapailing at napapapikit ako sa sobrang sakit. “Umuwi ka na muna sa inyo. Tsaka na tayo mag-usap,” yun ang huling sinabi niya sa akin. Tsaka na siya pumasok ng trabaho.


May nakausap ako na isa sa mga katrabaho niya. Naaawa sa akin dahil lantaran na raw ang panloloko sa kin ng asawa ko. “Pasensya ka na, di na namin siya mapigilan. Wala na siyang pakialam sa lahat, kahit mali na, kahit masaktan ka pa niya.” Tama. Wala na nga siyang pakialam. Wala na akong importansya sa kanya. “Gusto niya raw ng anak. Pero di mo siya mabigyan. Gusto raw niya ng pamilya.” Dito na ako sinampal ng katotohanan. Alam ko gagamitin niyang panlaban sa akin ang kahinaan ko.

Bakit mo ko ginanito? Sana nakipaghiwalay ka na lang nang maayos. Sana pinagtabuyan mo na muna ako bago kayo nagsama. Sobrang laking tr**ma nito sa kin. Tuluyan kaming naghiwalay at nagsama sila ng single mom niyang k*bit.


Ako? Heto, hindi alam kung saan magsisimula. Lugmok na lugmok ako sa pagpupulot ng watak-watak na piraso ng sarili ko dahil sa pagsira niya sa kin. Habang siya bumubuo ng isang masayang pamilya kasama ang babae niya. Para akong ligaw na tuta na hindi alam saan pupunta. Hindi na rin ako umiiyak. Wala na akong mailabas. Yung sakit na nararamdaman ko ngayon walang katumbas na kahit anong salita.

Mrs.7yrs, 2017, BSHRM, BP*U


*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x