“Gusto ka nilang kunin dahil maingay ka at nagambala raw sila…” sabi sa kanya ng workmate niyang may third-eye… –Sender (SPG)

Kuwento ito ng housemate ko. Dati siyang nurse sa Pinas, at ngayon ay parehas na kami nasa Englatera. Etong housemate ko ay napakadaldal, kalog, at mahilig magpatawa. Itago na lang natin sa pangalang Morris.

Sabi niya nung nurse pa siya dati sa Pinas, meron siyang di makakalimutang duty. Night shift siya nun. Nasa 3rd floor ward siya ng hospital naka-duty. Yung 2nd floor ay sarado at walang tao (luma at maliit na ospital sa probinsya kaya kulang sa staff).


Mga 11 pm daw ng gabi nun nung pumunta siya ng pharmacy para kumuha ng mga supplies at gamot. Ang pharmacy ay nasa ground floor malapit sa ER.

Habang paakyat na siya ng hagdan para bumalik sa ward niya, may nakita raw siyang batang babae na naka-ribbon ang buhok at may mahabang medyas na hanggang tuhod. Sinundan niya raw ito. Pumunta ito sa 2nd floor kung saan madilim at walang tao. Sumunod naman siya kasi baka ano ang mangyari dun sa bata.


Medyo nagtataka na siya kasi habang palapit sila sa isang kwarto ay may naririnig na siyang boses ng mga bata. Yung iba ay nagtatawanan pa. Imposibleng may mga bisita pa nun dahil dis oras na ng gabi. Pero, natauhan lang siya nung biglang huminto yung bata sa tapat ng kwarto kung saan nagmumula ang ingay at bigla itong nawala.

Nangilabot siya nung na-realize niya na hindi pala totoong bata yung sinusundan niya, at dali dali siyang tumakbo paakyat. Hingal na hingal siya pagdating sa nurse station.

Maya maya, biglang nag-ring yung telephone at sinagot naman niya. Rinig niya ang galit na boses ng batang babae pero di niya maintindihan yung sinasabi. Ang dami niya pang ibang boses ng mga bata na narinig. Binaba niya yung telepono at nagulat siya na makita ang caller ID na ER. Alam niyang di siya pina-prank ng mga nasa ER dahil wala naman nakakita sa kanya na pumunta siya ng pharmacy.

Maya maya, bumalik sa station yung ka-duty niyang nurse na may third-eye. Sabi sa kanya, “‘Wag ka muna lumabas Morris kasi may nag-aabang sa ‘yo, nanlilisik ang mga mata nila. Gusto ka nilang kunin dahil maingay ka at nagambala raw sila. Kung sumunod ka sa kanila sa kwarto, ‘di ka na makakalabas. Dito ka muna sa loob, kakausapin ko sila…”


Sa sobrang takot daw ni Morris ay ‘di na muna siya lumabas ng nurse station. Yung mga gamot ng pasyente niya ay late na naibigay.

Zephyr, 2015, BSN, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

21
guest
3 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Mai
Mai
4 months ago

Sana makatulog ako ng mahimbing. Hahahaha

Mariaanna Albiso
Mariaanna Albiso
4 months ago
Xris
Xris
4 months ago

Skary

error: Content is protected!
3
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x