“Akala ko normal na umuuwi ang anak ko na parang sinabûnûtân, kulang o sira ang gamit, at puro sulat ang likod ng notebook, pero hindi pala…” (SPG)

I remembered the very first time I sent my daughter to school. Grabe yung excitement niya nung kinder siya. Quarter to 5 am pa lang gising na siya, too early for 6 am class.

Days passed, and as usual, uuwing parang sinabûnût@n, kulang or di kaya putol ang krayola, walang lapis at pambura, at puro sulat ang likod ng notebook. Akala ko okay lang kasi normal days pa rin yun as a kid, but little did I know, nabu-b*lly na pala siya.


Kaya pala putol or kulang minsan yung krayola niya kasi kinukuha ng classmate niya, tinatapon or di kaya pinup*kpok sa lamesa yung pencil case niya. Sinusulatan o binabab*y yung notebook at papel niya.

One time, pag-uwi ko from work, napansin ko yung guhit ng lapis sa pisngi nya, upon checking ay sûgat pala. I asked her kung napaano, sin*ksak daw siya ng lapis ng classmate niya, lumabas daw saglit si teacher kaya di siya nakapagsumbong.


I confronted the teacher especially the parent for what happened. Nakita ko yung changes sa behavior niya noon, naging aloof siya at tinatamad na rin siya pumasok. But, I insisted na dapat pa rin siya pumunta sa school para next pasukan Grade 1 na siya.

I told her na never fight back kapag inaway siya ulit at sabihin kay teacher yung classmate niya. Sa awa ng Diyos, natapos niya ang kinder nang di na siya inaaway.


Grade 1, she experienced the same thing na naman. She was only 5 years old, maliit, smart, and friendly but still got bull*ed. May time pa nga raw na napalo pa ng lolo niya kasi ayaw na niyang pumasok. Yun pala, na-b*lly na naman siya sa school.

I wasn’t by her side during those days kasi nasa Manila ako nagtatrabaho. Araw- araw siyang nabu-b*lly ng classmate niyang babae. Tinatago or di kaya tinataas yung hairband niya kung saan di niya to maaabot.


Minsan naman daw, hinihila yung papel niya kapag nagsusulat and kung anu-ano pa. Ang dami niyang kuwentong about school nung umuwi ako para bisitahin siya at lahat yun tungkol sa pambu-b*lly sa kanya.

I even met that classmate na tinuturing niya at pinagsabihan na bad yung ginagawa niya. I bought her some food sa canteen nila while waiting their dismissal, and I saw how she shared her food dun sa nam-b*lly sa kanya.


Then, pandemic happened. Walang school and everything, but modules. I saw she excels so much sa academics and even the changes in behavior. Then, last year ay nag-start na ulit ang face-to-face classes.

Excited and a bit stranged feeling na ayaw niya pumasok, baka awayin daw siya ulit nung classmate niya. Worried? Yes, as a mother, grabe pala yung tr*uma niya, but then I told her na dapat na siyang pumasok ulit sa school and meet her new classmates.


Everyday, after school, I always ask her kung ano ang ginawa nila, pinag-aralan, at kung sino yung friends niya. And I am happy, finally! After few months, there is one girl na nakipag-friend sa kanya. Now, I saw her having more friends at school that keeps in touch with her most of the time.

Happy to know that she makes friends at school.


Natsu, 2018, BSBA, Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

46
guest
9 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Ching
Ching
11 months ago

Luckily she have you na pupunta at pupunta sa school para mapagsabihan yung mga nambully sa anak mo. Nung grade school ako palagi ako umiiyak, kasi I was bullied, no one want to protect me. I have a parents but they didn’t care. That is why I feel distant to my parents. Dahil sa kanila natuto akong magkimkim ng problema ko. Dahil din sa bullying bumaba self esteem ko, di nako nag excel. Kaya maswerte po sya sainyo.

Anj
Anj
Reply to  Ching
11 months ago

Same, sinasabihan ko naman sila pero never silang pumunta sa school para makita kung kumusta ako sa school or puntahan yung mga nambubully sakin dati.

hey
hey
11 months ago

minsan mami di po masamang gumanti kung di naman sya nauuna,lumaban sya kapag alam niya asa tama sya. para di na ulit ulitin yan but anyways it’s up to you naman po ☺️

wiang
wiang
11 months ago

Haha naranasan ko din to before nung elementary ako. Nag suffer ako ng 5-6 years sa isa kong boy na kaklase na binubûlly din ako:)). Walang araw na di umiyak dahil sa takot na ko pumasok. Ngayon na malaki na ko, dun ko mas nararamdaman yung trauma:)). Kaya nakakainggit yung mga ganito na may magulang silang nangangamusta palagi kung maayos pa ba sila sa school or not. Hahahah sanaol na lang po.

Ms. A
Ms. A
11 months ago

Nkakainis ung gnon! Ung feeling na gus2 mong sumugod sa school dhil sa gnagwa sa anak mo.. Ung tipong ikw hlos d mo padapuan sa lamok tas ssktan lng ng iba! It happened sa anak q rin nung grade 1 xa, ndi kc pumapatol at sobrng bait.. Ndi rin ngsusumbong.. 1 time nkita ng pnsan nya ung gnagwa sa knya, un ang ng sumbong.. Nkakainis lng ung ibully ka ng bobo! Grade 6 na xa now, at ndi na naaapi.. Cguro nhiya nrin ung 2 mgkptid na nambully sa knya noon kc consistent honor student xa.. Mnsan ansarap nlng mnabunot ng bata pg gnon!

Ligaya19
Ligaya19
11 months ago

Ganyan din ako mamsh, madalas mabully din yung anak kong lalaki nun, kaso napagsasabihan ko kasi na wag makikipag-away at isumbong na lang kay teacher. May mga sulat din na puro kabastusan yung mga gamit ng anak ko. Nawawalan din ng gamit. Minsan pa, inuntog sya ng classmate nya sa chair nya. Pinupuntahan ko personally sa skul pag ganyang issue, o kaya uutusan ko si mister ko na pagsabihan yung mga bata na mahilig mambully. Kaya ngayon, natuto anak ko na, wag silang patulan at pansinin. Grade 6 na anak kong lalaki, at yung bunso kong babae ay grade4. Baligtad sila ng kuya nya ng ugali, yung anak kong babae palaban hihi. Pero not physically naman, pagsasabihan nya lang yung nang-aaway sakanya.
And one more thing, lagi kong ibinibilin sakanila, na hindi lahat ng bata ay iisa ng ugali. Na wag silang mag-expect na, magkakapareha sila lahat. Sa mundo, matutong mag-accept ng iba ibang attitude, behavior at character ng tao. Tinuturo ko yun kung paano nila ihandle at imanage.
Mabait at palakaibigan kasi mga anak ko. Lalo na pag sa food, gusto nila naishashare nila yun sa mga classmate nila. Ultimo gamit kaya hahaha.

Ayumiruu
Ayumiruu
11 months ago

I remember my mama ganyan din sya pag na b-bully ako sa school sinusugod nya talaga ung klaklase ko. Naalala ko sinasabi sakin ni papa na ang liit liit daw ni mama pero grabe maka sugod para ma protect lang kami sa bullies. Tapos dapat lumaban daw kami para di na kami apihin.

Kimberlyann
Kimberlyann
11 months ago

Same din sa mangyari sa panganay ko. Nung grade 1 sya, she told me ayaw na nya pumasok sa school. First time ko marinig yun sa kanya kase sobrang gusto nya talaga na pumapasok. Tinanong ko sya kung bakit. She told me na, inaaway daw sya ng kaklase nyang lalaki and she didn’t fought back, kase Hindi nya nature manakit. Ang ginawa ko, nagpunta ako sa school and told her teacher na gusto Kong makausap Yung parent nung bata, Ang nakakatawa, Hindi pinatawag Ng teacher Yung parent. Sya na daw kakausap sa bata. Ang Sabi ko sa teacher Ng anak ko pag naulit pa yun. Dederetso na ako sa principal’s office. At Kasama sya sa sa irereklamo ko. Luckily, that bullying never happened again. Natakot ata Yung parent dahil nagtransfer na daw Yung bata after the incident.

viybo
viybo
11 months ago

Nong na bully ako sa school grade 2 ako non nsunog pilik mata ko ,boy classmate ko annng gumawa ang layu ng house namin kayamaggagabi nako naka uwi ,sinabi ko agad kay papa yun ,so ayun pinuntahan namin ni pa a yung kaklase ko kinausap parents nya tsaka yung classmat eko,buti naman okey din magsalita yung parents nya towards kay papa at yun okey na di nako nabubully.

error: Content is protected!
9
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x