“Planado na sana lahat this year tulad ng kasal, pero nagpalamon sa sistema ng BPO ang partner ko for 10 years…” –Sender

Hello. Long post ahead. Grabe pala, no? Pagpasok pa lang niya sa environment ng BPO, binalaan ko na siya sa possible na mangyari, kung gaano kalaganap ang 3rd party, and guess what? Mas pinili na magpakain sa sistema.

10 years na kami at may 1 anak na 5 years old. Then, pinagpalit lang kami sa 3 months niya na workmate. Like, WTH? Take note, yung una ginawa niya yon sa chat lang at hindi sila nagkikita, 2nd and 3rd time ganito na ang ganap behind my back. I still have evidences and screenshots.


October 2023, na-hire ka sa IQ** Robinson. Unang encounter ko pa lang dun sa tao, ramdam ko na kaagad na may mali, e. Nag-chat sa yo kung ano oras ka papasok, akala mo hindi ko alam na ni-reply-an mo tapos dinelete mo yung message mo, pero sige, hinayaan ko lang kasi sabe mo b@ding yon.

Many times, many group picture magkalapit kayo, hanggang sa tables and PC n’yo magkatabi kayo. November 2023, naulit na naman. May pagtawag na. Hinayaan ko lang kasi sabi mo wala ka pera at nanghiram ka 100 since siya lang nakita mo don sa locker n’yo.


December 2023, nakita ko may Viber ka na. Hindi naman ako t*nga para alamin ang lahat sa Viber. May 3 unread messages pero hindi nakikita sa main inbox. Yun na pala start ng ginagawa mo. Viber has hidden chats na PIN lang ang pass para ma-access.

Araw-araw kita hinahatid sa trabaho mo kasi yun lang ang oras natin sa isa’t isa. Pinili mo magpanggabi para hati tayo sa duty ng anak natin. Pero yung paghahatid ko pala sa yo, e tumat@rant@do ka na pala.


Around December 2023 pa rin, nag-decide ka na i-uninstall yung Viber since “work” daw ang gamit non. Pero malaman ko, tinawagan mo pala itong guy to avoid yung pagiging active sa Viber. 27 seconds lang to update?

Ang dami na pala nangyayari behind my back. Akala ko okay lahat. Pero ano ang plano mo? December 23, nag-family picture pa tayo sa Photoline na akala ko okay lahat. Masakit nga na duty ka ng Christmas and New Year’s Eve, pero siguro mas masakit yung 3rd party kasama mo imbis na kami ng anak mo. Haha.


January 6 2024 ng umaga ay nag-chat ka, sabi mo may problema ka, yun na pala nagpaparamdam ka na sa gusto mo mangyari. Within January 6, 7, 8, 9 palagi ako nagsasabi, nag-please sa yo na huwag ka pumasok kahit 9 pm pa duty mo at nakakauwi naman ako ng 5 pm, maabutan kita pero mas pinipili mo wag magpang-abot. Palagi ako harurot umuwi para maayos kung ano problema.

January 6, monthsary natin at nagdala pa ko Dairy Milk as present. January 12, nalaman at na-confirm ko lahat, nakita ko nag-active Viber mo 30 minutes ago, bago ko i-install Viber mo, alam ko nag-backup ako. Nagpa-massage ka pa nga kasi sabe mo masakit likod mo. Then nung nakatulog ka na, in-install ko Viber mo at biglang nag-popup lahat ng convo n’yo, at tumama lahat ng hinala ko.


Like, WTH? Guho na naman for the 2nd time, wala na nga akong paki kahit andiyan nanay mo, pinakita ko pa ano mga pinag-uusapan n’yo. Haha. Inaalala ko ngayon, medyo masakit na nga lang, e. T*ng*na lang, no? Pero t*ng*na mo kasi pinatawad agad kita at sinabi ko na para sa anak natin at para sa 10 years relationship natin.

Girl, alam kong nagkamali ako nung pinakauna, at habang buhay kong binabawi sa yo yon, sa araw-araw. Hindi pa ba sapat na mas pinili kita sa lahat? Sa pamilya ko na iniwan ko para sumama sa yo? Sa mga kaibigan ko na inaayawan ko mga invitations nila? Na wala akong ibang ginawa kundi pasok/trabaho?

Simula nang pumasok ka sa trabaho mo, pag Sabado, Linggo, hindi puwedeng hindi kita inaasikaso, pinagluluto almusal, hinahayaan lang matulog at magpahinga. Sa ating dalawa ikaw lang may narating, naging manager at naging CSC passer ka kasi suportado kita sa lahat. Driver mo nga ko sa lahat ng lakad mo. Haha.

Sabe mo nga choice mo yan, na okay lang magmukha kang masama sa iba at para sa kanya. Malinaw na malinaw. Pero huwag na huwag mong babaguhin ang kuwento kasi hanggang ngayon tahimik lang ako sa mga taong nasa paligid ko, na mas pinili ko protektahan pangalan mo.


Araw-araw ko binabawi sarili ko sa yo sa lahat. Pero naka-stick ka lang sa pagkakamali ko sa isang babae na kumpara sa yo ay pangalawang beses mo na. I contact every person na puwede masabihan sa ginawa mo pero ano ang laban ko nga naman, hindi pa tayo kasal.


Planado lahat ngayon taon, kasal, etc., pero mas pinili mo ang ganyan, I think hintayin na lang natin yung karma mo sa lahat. Masama man hilingin pero I hope karma serve you well. I don’t want to have a business with you pero may nagcha-chat sa kin na nakikita kayo sa ganitong lugar. Haha!


Kaya sorry po dun sa nagsusumbong, di ko kaya nire-reply-an. Hehe. And stop blaming me kasi kaya ginawa mo yang ganyan kasi ginawa ko naman dati, pero ano, 2nd time? Sabagay pag nagkuwento ka naman, simpatya ang kinukuha mo, hindi payo. Gusto mo kampihan ka. Narc!ss!st.

Dada, 2017, BS Business Management, CvSU

*do not copy/paste this content on any platform

14
1
Subscribe
Notify of
guest
17 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
hotenspaysi
hotenspaysi
10 months ago

I’m not siding up to the girl because cheating will never be okay but to you sender, NOW YOU KNOW HOW IT FEELS TO BE CHEATED.

Siena
Siena
Reply to  hotenspaysi
10 months ago

(2)

Jerus
Jerus
10 months ago

Kaya mo yan sender! Ang mahalaga natuto ka sa pagkakamali mo at tuloy tuloy ka lang nagsusumikap at nagbabago para sa anak mo at sa future ng anak mo.

IyakinNaCheater
IyakinNaCheater
10 months ago

LMAO Lods, baka ikaw ang kinarma. Nagloko ka pala e tas feeling victim ka? Nauna ka wag kang magmalinis. Hugas kamay ka e. Di ako sumaside sa partner mo. Pareho lang kayong ugok.

Inamo
Inamo
Reply to  IyakinNaCheater
10 months ago

So cheating+cheating=cheating validated? tanga pala utak mo e

Mob
Mob
10 months ago

walang kuwenta, mabuhay na lang hangga’t gusto

Siena
Siena
10 months ago

Kung hindi mo lang sana sinimulan magloko edi sana maayos kayo ngayon. Kahit sabihin mong bumabawi ka, the damage has been done.

Inamo
Inamo
Reply to  Siena
10 months ago

at victim blaming pa nga, naitama ba nung asawa nya yung pagkakamali nya? hindi diba? unang una yung girl nagpapasok sakanya ulit sa buhay nya nagkaanak pa nga e tas ngayon sasabihin nyo kkung di sana nagloko? kung di matanggap maghiwalaydi yung idadamay pa yung bata sa parehas niang kagaguhan

Elepeng
Elepeng
10 months ago

Mga ul*p*ng naman pala layo eh. Naggagantihan lang? Wala kaming kinakampihan pero ang lakas naman ng loob mong maghope na sana makarma when in fact gawain mo din naman ? Alam mo yung ginawa niya yan ang karma mo. Pareho lang din kayong basura. Kung pinatawad ka niya gawin mo din kasi ginawa din niya nung ikaw yong nagloko.🤣🤣🫰

Inamo
Inamo
10 months ago

Kawawa bata saiyong dalawa

Pooh
Pooh
10 months ago

Halos same sa past ng partner ko.

Dating babaero tapos after almost 11 years yung asawang babae naman ang nagloko at nang-iwan.

Masakit daw na iniputan sa ulo pero sa paglipas ng panahon narealize niya yung mga naging pagkukulang nila sa isa’t-isa. Iniisip niya yung root cause Ng lahat at in the end sarili niya ang sinisi niya. Kase syempre una yung mga pambabae pangalawa yung pagkukulang sa pamilya at pera.

Masakit kase yung ginagawa niya dati bumalik sa kanya. Kaibahan is Yung kanya past time at lib*g Yung Kay ex Niya is talagang napamahal na lang sa iba.

Di mo alam gaano ba katagal yung karma babalik sayo ayan nagulat ka siya MISMO Ang karma mo since you believe in karma naman eh. Yung karma Niya wag mo na isipin at mag focus na lang sa anak niyo. Walang tama sa pang loloko at di tama Ang gumanti. If Wala na talaga let it each other go kahit masakit kaysa maglolokohan pa kayo.

Last edited 10 months ago by Pooh
paui
paui
10 months ago

what goes around, comes around

Rizinabox
Rizinabox
10 months ago

Sige, given naman na, na pareho kayong k*pal ng asawa mo, maglo-lokohan, mag-ga-gantihan, pero di niyo manlang ba naisip sitwasyon ng anak niyo sa ginagawa niyong kabob*h*n? Di niyo manlang inisip kung ano mararamdaman at kung anong mangyayari sa bata pagkatapos ng ginawa niyo?
Mga immature kayo.

Unknown
Unknown
10 months ago

Cheating is a choice as forgiveness. Don’t feel guilty kung nagkamali ka dati at pinatawad ka nya kasi nagbago ka man din. Ang pagkakamali ay maitatama sa tamang pamamaraan lang at ang taong deserve patawarin ay yung taong tinanggap ang kamalian at handang magbago.

Lunastar
Lunastar
10 months ago

Ang lakas ng amats mong mag post e Isa ka din Pala sa cheater e, Sabi nga nila kung ayaw mong mangyari Sayo wag mong gawin sa iba. Karma mo na Yan idol 🙂

Kler
Kler
10 months ago

Sakit po maloko ane? Ramdam kita sender minsan rin ako nag cheat tapos hindi ko na inulit siya ang pinili ko inayos ko ang lahat ginawa ko lahat d ako nag demand ng kahit ano pero bumawi ang ex bf ko mas grabe pa mas masakit halos nalugmok ako but now ok nako naka move on na.. And happily married a sa husband ko

Hahahaha
Hahahaha
10 months ago

Im not siding with your girl.but yeah, Taste your own medicine boy

error: Content is protected!
17
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x