“Normal po ba na nagpakasal na ako, pero si ex-bf ko for 9 years pa rin ang iniisip ko?”

Normal po ba na nagpakasal na ako, pero si ex-bf ko for 9 years pa rin ang iniisip ko? Mahal ko pa si ex, pero ayaw ko na. Kapag naalala ko memories namin for 9 years, nalulungkot ako. Ang plano namin dati ay magpakasal, pero sa iba ko tinupad.

Kasalanan ko ba? Hindi ko ba hinintay? In just two months since mag-break kami, nagdesisyon ako na magpakasal kasi inalok ako ng kasal ng new guy na nakilala ko.


At yun na nga, kinasal ako, pero lumipas ang buwan ay ex ko pa rin ang mahal ko. Kinasal ako dahil pangarap ko ang maikasal at magkaroon ng katuwang sa buhay.

Pinili ko yung simpleng taong nandiyan lagi sa tabi ko, katuwang ko sa negosyo na napili ko, marami time sa akin at ma-effort na tao kaysa sa ex kong hndi pa ready noon na nasa military na ngayon, na wala naman sa tabi ko.


Sabi ni ex dati ay susuportahan daw ako financially, pero hindi ko kasama lagi sa mahahalagang araw, malungkot o masayang okasyon ng buhay ko. Pinili ko ang napangasawa ko dahil kasama ko siya palagi sa kasiyahan o kalungkutan man.

16 years ko naging kaibigan ang asawa ko ngayon, matagal na raw pala niya akong gusto, hindi ko siya mahal pero kailangan ko siya. Normal po bang mahal ko pa rin ang ex ko? Wala pa rin siyang gf hanggang ngayon since naghiwalay kami.


Sana di na lang ako nagpakasal agad, hindi pala ako sigurado at di ko pala talaga mahal ang asawa ko. Hiniwalayan ko ex ko, wala kaming formal breakup. Hindi kasi ako priority ng ex ko dati, mas priority niya ang pangarap niyang magserbisyo at magkaroon ng stable na trabaho kaya napabayaan niya ang relasyon naming.

Sa sobrang pressure niya sa pag-a-apply, para na akong kaabalahan at basura sa kanya, binalewala ako at gabi-gabi akong umiiyak kakaisip sa kanya. Nalungkot ako na dati pangarap namin yon, pero parang siya na lang mag-isa ang nangangarap at iniwan na ako sa ere.


Gusto kong i-celebrate lahat ng success niya sa buhay, nagpapadala pa nga ako sa kanya ng pera, pero after nun ay para na akong etsapwera. At nakita ko naman ang worth ko, tama nga na habulin mo hanggang mapagod ka, mas mahalin mo nang mas masaktan ka pa.

Hanggang sa sumuko na ako, pinandigan ko talaga na hindi na ako babalik kahit nagparamdam pa siya. Nakukulitan na siya sa akin. Kasalanan ko ba na magtanong ako ng mga bagay na dapat kusa niyang binibigay? Na obligasyon niya bilang bf na iparamdam sa akin na mahalaga rin naman ako. Na bigyan niya ako ng oras, atensyon, at pagpapahalaga.


Pinalipas ko ang isang buwan, baka sakali magbago, pero ganun pa rin siya, i-cha-chat lang niya ako kung kailan niya gusto. Isang beses lang mag-chat, tapos pag ni-reply-an na, wala na reply, tatawagan ko, pinapatayan ako. Madalas na rin ako kabahan, kasi hindi siya ganun dati. Mahal lang daw niya ako kahit hindi siya madalas mag-update, mahal niya kahit di kami magkasama.

Ilang years ko siya inintay magbago, pero ganun pa rin. Ilan beses ko rin siyang pinapakiusapan na puntahan ako, pero malalaman ko sa mga ka-close namin na nakita lang nila, pero di ako pinupuntahan.


Bago siya makapasok sa trabaho na pangarap niya, naka-save pa ang pictures namin sa album ng FB niya at may nakalagay na ‘I love you more than you love me’ sa bio niya. Nakabantay ako sa journey niya simula sa pagpapasa ng papel, pag-exam, at pag-apply hanggang sa matupad na ang pangarap niya.

Sana di na lang ako nagpakasal, niloloko ko lang ang sarili ko, sana mahalin ko na ang asawa ko, nasa kanya naman ang lahat ng katangian ng ideal husband na hinahanap ko na gusto kong gawin ng ex ko, maliban sa stable na trabaho.


Alam ko kasalanan ko ito, naalala pa rin kaya ako ng ex ko? 9 years kami at di ko itatanggi na mahal ko pa talaga siya. Gusto ko lang malaman kung ganon po ba reflection n’yo na may puwang pa rin ako sa kanya.

Marami kami pinagdaanan, memories, hindi ako umaasa, gusto ko nga matuto siya at magka-asawa rin ng hindi simpleng tao, yung kagaya ng trabaho niya para hindi maghangad ng oras, panahon, at effort kagaya ng ginawa ko.


Kasi, yun ang dahilan kaya di ko na siya binalikan kahit nagparamdam pa dahil more on words siya, di kagaya ng asawa ko na palagi may way para sa aming dalawa.

Sabi nga ni Victor sa Linlang, “HINDI SAPAT ANG PAGMAMAHAL PARA MAG-STAY KA SA ISANG RELASYON LALO NA KUNG HINDI NAGBABAGO…”

Mrs., ****. *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

6
5
Subscribe
Notify of
guest
10 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Mob
Mob
1 year ago

nag-hi-heal pa rin ’yan katulad sa’yo, hayaan mo na ang nakaraan, magfocus na lang sa kung anong nandiyan.

dowee
dowee
1 year ago

Hindi mo na mababalik pa, nagpakasal kana nang hindi nag isip ng mabuti. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Ang tanging magagawa mo nalang ay kalimutan ang nakaraan at tanggapin kung ano ang nandyan. Yun ang mahalin mo. Mahirap, masakit dahil sa maling desisyon well ganon talaga. Wag mo pilitin maging masaya. Hayaan mong kusa mong maramdaman na masaya kana pala at tatawanan mo nalang ang nakaraan👌

Ndnd
Ndnd
1 year ago

Sa pag kakakwento mo good catch na si hubby mo. Naintindihan ko kung naiisip mo pren duhh ang tagal nio at after 2months nagpakasal ka . Pero sna sa mga magdaang araw gumawa kayo ng memories ng hubby mo para tuluyan ka na maka move on sa ex mo.

yowyowyowyowyow
yowyowyowyowyow
1 year ago

ante wag na maging delulu kasal ka na and ang nakikita ko nung una eh user ka lang dyan sa asawa mo ginamit mo lang sya para mapunuan yung mga pagkukulang ng ex mo in short panakip butas pero can’t blame you sa mga ginagawa naman pala ng ex mo na puro katoxican din so sa ngayon focus ka nalang dyan sa family mo and sa asawa mo, good luck

SilentReader
SilentReader
1 year ago

If I were you sender, let go na and stop holding on to the past. Kasal ka na. Isipin mo mararamdaman ng asawa mo pag nalaman nya yang nararamdaman mo para sa ex mo? Isipin mo din kung ikaw nasa sitwasyon ng asawa mo, ano mararamdaman mo??? Kaya pls. ikalma mo ang sarili mo sender, iwasan mo nang isipin si ex at itigil mo nang magwonder ng mga WHAT IFs WHAT IFs mo. Learn to accept na hindi tlga kayo ang para sa isat isa. Saka ikaw na din nagsabi mismo, pangarap mo maikasal, tinupad yun ng asawa mo. Gusto mo rin kasama araw araw ung taong mahal mo, again, tinupad un ng asawa mo. Isipin mo, ayan na oh, nasa harap mo na yung taong kailangan mo sa buhay mo, tapos ikaw nasa past ka pa rin nakatingin??? Wag mo hintayin na bawiin sayo ni God lahat ng meron ka lalo kung hindi mo inaappreciate ung binigay Nya sayo. And always remember, hindi tayo binibigyan ng Diyos ng taong gusto natin, ang ibinibigay satin ng Diyos ay ang taong kailangan natin. Kaya kung ako sayo, tigil tigilan mo na kakaisip sa ex mo, kung hindi ako ang uumpog sayo sa pader para matauhan ka na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. 🙄 Kung panay stalk ka sa ex mo, pwede mo sya iblock para magtigil ka na sa kakastalk sa social media accounts nya. Live a happy and contented life with your husband, at sa lahat ng binanggit mo sa ex mo, obvious naman na isa syang malaking red flag. Sasakit lang ulo mo at puso mo sa ganung lalake. Mas gugustihin mo pa ba ung ganung lalake kaysa sa asawa mo??? Huy! Gumising ka sa katotohanan na a man like your ex will never be good for you. Matuto ka makontento sa binigay sayo ng Diyos, hindi ung puro ka puso ang pinapairal mo. Ipagdasal mo yang nararamaman mo. Nagkamali ka na nga na nagpakasal ka in 2mos na pgiging magjowa nyo ng asawa mo noun, tapos dadagdagan mo pa ng another pagkakamali by emotionally cheating on him. But of course, everthing happens for a reason. Nging mabilis man sainyo ng asawa mo na magpakasal noon, maybe you two are really meant for each other. Hayaan mo na ung ex mo sa buhay nya. Whatever he is doing in his life right now, wala ka na dapat pakialam dun, wala ka na paki kung wala pa sya gf hanggang ngaun. Ayun lang. Napahaba na comment ko, gigil mo kasi ako. 😤

Last edited 1 year ago by SilentReader
Hea
Hea
1 year ago

Ang gulo mo mag kwento sender jusko ka, imbis na gaganahan ako mag basa nainis na lang ako kase di ko ma gets 

Mitch
Mitch
1 year ago

Kahit nman dka pa kasal halimbawa at nagkabalikan kau ay ndi na kagaya ng dati ung pagsasamahan nyo since sbi mo nga ndi kaw u g priority nya muka ng nag apply sya ng work .Magficus ksa kung anong mayroon ka now maybe nanghihinayang ka lng sa tagal ng panahon na pinagsamahan nyo.Bka pag iniwan mo yan taong nagmamahal sayo ng tunay magsisisi ka mging kontento ka sa mga bagay na meron kna now lalo na may pamilya kna.Baka nsa kama kna dhil sa mindset mo now mwala pa yan

jopay
jopay
1 year ago

if u wanna move on from your ex, then do so. kahit may feelings ka pa kay ex, try your best to forget everything and leave it in the past. ask your husband for help kung kailangan. ang mahalaga tumagal kayo ng husband mo na mahal niyo ang isa’t isa. love is also about commitment.

Last edited 1 year ago by jopay
Lean
Lean
1 year ago

Gumising ka girl. Isipin mo pag nawala ba ung asawa mo kakayanin mo ba?Mabait naman pala asawa mo ehh wag kana malungkot. Mas malungkot ka kung makakatuluyan mo ex mong military. Iiwanan ka lang ng ex mo at mawawalan ng oras para sayo. Ung sa asawa mo isipin mo kung kaya mo ba na mawala siya? Mapalad ka sa lalaking nakatuluyan mo. Kapag nawala yan mas masakit.. Masasaktan yang asawa mo kapag nalaman niyang hindi mo siya minahal ng totoo. Uulitin ko, kaya mo bang mawala ang asawa mo? Pag hindi deserve niyang mahalin ng totoo.
Ingat baka mamaya pinapabagabag ka lang ng ex mo

rere
rere
1 year ago

sender, medyo nagulohan ako ng verylight sa kwnto mo haha walang pumasok sa utak ko teh

error: Content is protected!
10
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x