Di ko talaga alam kung family related ba to or comedy, kaso bago pa man ako magsimulang magkuwento, natatawa na ako. Hahaha! Sige.
Elementary ako nung nangyari to pero tandang-tanda ko pa rin. Di ko alam anong meron nung araw na yun, basta alam ko may program at pinapunta kami sa covered court sa likod ng school. May guest speaker na pulis, tungkol sa dr*gâ ang topic.
So dahil bata nga, yung mga kaklase ko halos di nakikinig. Kanya-kanyang laro, pero ako dzai, tutok! Bakit? Kasi mga Tito ay âd*k, tulâk, ganern. Nung patapos na yung guest speaker, nagtanong siya na, “Oh, sino dito may mga kilalang gumagamit o nagtitinda ng pinagbabawal na g*mot?” Ako naman tong batang honest, di pa nakuntento sa pagtaas ng kamay, tumayo pa talaga.
So sabi ni mamang pulis, “Sige, kausapin kita mamaya.” Sinagot ko pa ng “Okay po.” Dzai, yung mga teachers ko nataranta, bigla akong dinampot sa kinauupuan ko at pinagsabihan ako. Nangatwiran pa ako na totoo sinasabi ko at may kakilala talaga ako. Hahahaha! Pag-uwi sa bahay, konti na lang lalamutakin na ng pamilya ko ang cute face ko sa galit at kaba nila.
After several years, nakulong din naman sila. Pero, jusko!! Mga walang dala, hay! Tapos ngayon may nilagay pang tarp ang PiEnPi sa kalsada na “THIS BARANGAY IS DR*G-FREE”. Sarap i-vandal ng “WEH? DI NGA?”
Hanggang ngayon tulak at us€rs pa rin sila. Di nila alam na nakakaperwisyo na sila. Ayun lang, basta ako natatawa na lang. Ewan ko na lang sa inyo. Hahaha!
P.S. Sana mabasa ng mga anak nila to para mabawasan yabang nila. Wag kayong magyabang kung di galing sa marangal. Kahit pa relative kayo, pang*t pa rin tingnan.
Jj, 2020, SLU
*do not screenshot or copy/paste this content on any platform
HAHHAHAH Lt