“Maraming utang ang partner ko na minsan ako pa nagbabayad, at nalaman ko one time na ginamit niya name ko sa loan app nang hindi ko alam…”

Let me start by saying na ultimate goal ko talaga ay guminhawa sa buhay ever since bata pa ako. Hindi naman billionaire-type pero yung tipong I have more than enough. I’d like to describe myself as strong-willed, hardworking, and goal-getter.

Now, my partner and I are happy and in love. But the only issue is hindi kami same ng grit sa buhay. 23 pa lang ako and 37-year-old siya (anyway, part kami ng LGBTQ, ako yung pa-gurl sa min and lesbian partner ko). Wala pa siyang ipon and kahit na anong pundar para sa sarili niya.


Marami rin siyang utang na minsan ako yung nagbabayad, meron pa na one time nalaman ko na ginamit niya name ko sa loan nang hindi ko alam, nalaman ko lang nung di ko sinasadyang mabasa convo ng pinag-loan-an niya. After nun sobrang sumama talaga loob ko sa kanya, nawalan din ako ng tiwala.

And nga pala, halos 1 year din siya nawalan ng work kasi nag-resign siya, so sa lahat ng bills sa bahay, kain sa labas, etc., ay ako nagbabayad. Sa parents niya kami nakatira sa ngayon kaya nagshe-share ako ng bills sa kuryente, internet, and ako nagbabayad ng tubig namin. Recently lang siya nagka-work, and lahat ng gastos niya for requirements ay ako muna nagbayad, babayaran naman daw niya every sahod niya.


Sa kin okay lang and never ako nanumbat o nagkuwenta ng gastos sa min, pero alam n’yo yun, nakakasawa rin pala pag lagi na lang ikaw, no? Gusto ko rin maranasan yung lahat siya magbabayad, kain sa labas, bills, etc., yung tipong wala kang iisipin ngayon month na bayarin, hindi naman ako nagrereklamo pero napapagod na, oo. Normal ba maramdaman ko yun?

Sa totoo lang lagi ko siya sinasabihan na mag-ipon kahit para na lang sa future niya, lalo ang hirap ng buhay ngayon, sabi ko nga sa kanya magtipid din siya, lagi niya unahin yung needs vs wants, pero lahat ng sinasabi ko parang laging labas sa kabilang tenga. Pag pinagsabihan mo parang masama ka pa, tinutulungan ko siyang umangat kasi why not?


We’re partners and gusto ko dalawa kaming aangat sa buhay. But wala siyang effort na mas umangat pa. Komportable na siya sa kung anong meron siya ngayon at kung ano siya ngayon, ako naman ayoko ng ganung buhay, di ko lang masabi sa kanya kasi baka masaktan siya and iba isipin niya.

Sa isip ko kulang pa yung sinasahod nya for a single person, not for a family (which I want) living comfortably. Emphasize sa living comfortably. Take into account mortgages if plan na naming magkabahay, groceries, inflation, etc. Sabi ko nga sa kanya mag-side hustle siya para kahit papaano madagdagan kita niya pero parang wala naman sa isip niya.


23 pa lang ako pero iniisip ko na agad yung magiging future ko, and I need someone na same wavelength ko in terms of achieving my goals. I love my partner so much, yung tipong di ko kaya na wala siya, but big deal sa akin na maging komportable sa buhay and I feel like l’m the only one working so hard to get that kind of life, hindi ko naman hinihiling maging milyonaryo siya in an instant. I’m not even asking her for any money. I just want her to show some effort to achieve a more comfortable life for both of us.

Feeling ko di na kami same wavelength, and Idk, grounds ba ito for breakup? I still love her very much and I don’t want to regret my decision.

Eme, 2022, UST

*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

1
2
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x