Hi. Hingi lang ako ng advice. Ano ba ang gagawin ko kasi may kapatid akong lalake, panganay siya, nasa 30s na. Lagi siyang umaasa sa nanay namin.
Wala siyang trabaho halos mag-iisang taon na. Lagi siyang umaasa sa nanay namin na senior citizen na may pension at nagsa-sideline na lang ngayon. Pinagda-drive niya mama namin pag may sideline ito, pero parang don na siya umaasa pati panggastos ng jowa niya minsan.
Papabili siya ng play station, bagong kotse, etc., pero pag ayaw ni mama nagagalit siya, ang dami niyang sinasabi. E pera naman ni mama yun saka gusto rin mag-ipon ni mama in case na ma-ospital siya. Pero itong si mama, di rin siya matiis, binibigyan pa rin siya lagi.
Tapos, twice na tinanggihan siya ni mama na bigyan ng pera, sabi ni kuya, “Kung may b*rîl lang ako, pâp*tâyîn na kita, e.”
Sinabihan niya na pâp*tâyîn niya si mama. Tapos nung pangalawa, dalawa na kami ni mama sinabihan niya nun.
Di ko alam kung ang€r issu€ ba or tototohanin niya balang araw. Di ko alam kung ano ang gagawin ko, ayaw ko na siya makasama sa bahay. Naguguluhan ako ano ang gagawin ko lalo na pag bigla niyang tinotohanan yun.
Naguguluhan ako sa lahat pero isa lang ang sigurado ako, di ko siya matutulungan kapag dumating yung panahon na wala na si mama. Ako na bunso, never ako umasa at hinding-hindi ako aasa sa kaniya. 3 na lang kami pero si mama na lang talaga sinasamahan ko.
Please, gusto ko na bumukod pero di ko alam paano o saan magsisimula. Ayaw ko lang maiwan na lang mag-isa si mama pero gusto ko na umalis sa amin.
Jessie C., 2018, Business Administration, FEU
*do not copy/paste this content on any platform
iwan nyo nalang yung kuya mo. pag bumukod ka isama mo si mama mo kaysa maiwan sya kasama ng kuya mo
Iwan mo kuya mo, bumukod kayo ng mama mo.
Wala ako ma iaadvice, maglipat na lang kayo ng mama mo
Advice kolang. Umalis na kayo agad ng mama mo sa malayo , yung di kayo makikita ng kuya mo.
G*go pala yang kuya mo e ad¡k ba yan tinuringang lalaki dapat sya nagbabanat ng buto e tapos kapal ng mukha manghingi ng pera para pangggastos sa gf nya jusq panay pasarap lang ata alam ng kuya mo e dapat dyan iniiwanan ng pamilya, iwan mo nq yan sender isama mo mama mo keysa maiwan yan sa poder ng kuya mo baka gawin lang alipin
Tama nmn desisyonmo, gusto mong umalis bumukod ka baka mawalan kau ng peace nyan isama mo mama mo iba parin ang safety first eh naniniguro na din saka para maging dependent din kuya na wag naka asa sa mama mo .
Tiis kana lang po mona sender, pag dumating na yung time na kaya mona. Nasa wastong edad kana para kumita o kaya nakapag tapos ka na ng pag-aaral. Wala ng masasabi ang kapatid mo sa mama mo or sayo kasi alam nya na wala na sino man sa inyong dalawa na nangangailangan ng lakas nya.
Takutin mo na idedemanda o ipapakulong mo siya. Yung mga ganyang tao, kapag nagpakita ka ng kahinaan at wala kang sinasabi, hindi yan matatakot. Uulit-ulitin niya yan hangga’t hindi nakakatikim eh. Wag kang iiyak. Sabihin mo lahat ng hinanakit mo at huwag kang papayag na saktan ka emotionally at physically.
Kung kakayanin mo sender, try mo irecord yung kuya mo kapag nagagalit ng pasimple. Hindi ko sigurado kung sapat na yung voice record, siguro maglagay ka nalang surveillance camera na hidden. Kailangan makakuha ka ebidensya sa mga ginagawa at sinasabi nang kuya. Kung sa ganun may laban kayo kung sakaling gusto niyo na bumukod at may proteksyon kayo kung sakaling harassin kayo nung kuya mo. Kung magkagipitan man, pwede niyo siya ireport.
Uaa