Hello. Manghihingi lang sana ako ng advice. I am 25 years old, female, married. I think I am getting more and more toxic na sa relationship namin ng hubby ko. My hubby is 26 years old and currently working in a cruise ship. This started when I was pregnant with our baby last 2022. That time, my parents at yung mga marites naming kapitbahay insisted na we need to get married kasi baka raw masalisihan ako and the likes.
So, ako naman I told him about it to know his opinion pero his answers really disappointed me. Ang sabi niya hindi na raw uso ang kasal kasal, tapos there was a time na he said to me na ang mahal daw magpa-annulment. Kahit sinabi na niya ang mga st*p*d things na yun sa akin, I still pursued the civil wedding kasi ayoko ko rin ma-disappoint fam ko. Kinausap na rin naman siya ng papa niya regarding those things at ewan ko ba’t siya pumayag.
Dun na rin ako nag-stay sa kanila, and one time ay may nangyari na hindi ko talaga makakalimutan. Nagpaalam siya sa kin na iinom sa birthday ng barkada niya and I said “no” kasi natatakot ako mag-isa sa kwarto niya. I told him na may plano pala siyang uminom edi sana dun na lang muna ako natulog sa bahay namin which is mga dalawang barangay pa ang layo. Knowing na hindi ako makatulog mag-isa sa kwarto niya dahil natatakot ako ay umalis pa rin siya.
That time, I really l0st my sânity. Iyak ako nang iyak sa kwarto habang siya nagpapakasaya makipag-inuman sa barkada niya. Binabantayan ko lang ang oras na umuwi siya dahil hindi talaga ako makatulog kahit bukas ang ilaw at antok na antok na ako, hanggang sa yung takot at pago-overthink ko ay napalitan na ng galit. Pinagkakalat ko yung yung gamit niya sa room. Pati perfumes niya tinapon ko sa sahig tapos nilampasuhan gamit ang malinis niyang damit.
Kumuha rin ako ng hot water tapos binabad ko yung vape niya dun hanggang sa nasira. I am also holding a kn*f€ that time. Na ewan ko kung ano ang gagawin ko dun. Dumating siya mga past 3 am. I am a m€ss. Samantalang siya pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay nakangisi pa. Sin*mpal ko siya that time tapos pinagsusunt*k. I told him my frustration at hindi man lang siya umimik kaya mas nagalit ako. I told him na ihatid ako sa bahay at uuwi na ako dahil ayoko na mag-stay sa kanya kung ganun na lang palagi ang gagawin niya.
Hindi siya pumayag kaya nag-walk-out ako at lumabas ng bahay nila. Desidido akong maglakad pauwi that time dahil na rin sa raging ang€r ko. So hinabol niya ako pati ng ate at mama niya. Pinabalik sa bahay nila at pinakalma. Nakatulog naman ako after dahil sa pagod. Nag-expect ako paggising ko sa morning pag-uusapan namin ang nangyari pero wala kaya nag-impake na ako at nagpaalam sa parents niya.
Bago pa nga ako umuwi ay sinabihan pa ako ng father-in-law ko na dapat daw habaan ko ang pasensya ko sa kanya which is parang na-hurt ako kasi feeling ko hindi nila ako naiintidihan (mind you, before this happened ay nahuli ko siyang may nilaland*ng ibang babae sa chat kaya nag-o-overthink din ako kapag wala siya). Di ako umimik kasi napapagod ako makipagdiskusyon. Humingi na lang ako ng sorry at nagpasalamat dahil sa pagtanggap sa kin. After nun ay umuwi ako pero never siya nag-reach out sa kin. Basta ang naalala ko lang ay sinundo niya ako sa bahay at wala akong choice kundi sumama kasi hindi alam ng family ko ang nangyari. Baka magtaka sila bakit di ako sumama.
Meron ding time na nahuli ko rin siyang may ka-chat na babae (ibang babae uli to). Very casual lang naman ang usap nila pero di normal para sa king makipag-chat ang isang lalaking may asawa tapos expecting a baby pa. Tinanong ko siya about dun at sabi niya irereto raw niya sa workmate niya. Di rin ako convinced dahil nawala na yung tiwala ko sa kanya. May time rin na naghahanap ako ng reason para pag-awayan namin. Feeling ko kasi dun lang ako makakaganti sa kanya sa mga ginawa niya at pinagsasabi niya sa kin about sa kasal.
Gustong-gusto ko rin siya nakikita na nasasaktan sa mga ginagawa kong pang-i-ignore sa kanya. Lagi ko rin siyang minum*ra at palagi akong gal*t kapag kaharap ko siya and it really sat*sfies me kapag nakikita kong nahu-hurt siya. Kapag naman lumalabas siya kasama ang dating workmate or mga barkada ay lagi ko siyang inaaway para di siya mag-enjoy at umuwi na lang. Tapos pagdating sa bahay ay di ko siya papansinin. Kakausapin ko lang kapag may kailangan ako sa kanya. Hindi ko rin binago ang surname ko sa mga legal docs dahil ayoko gamitin apelyido niya. Pero ginagamit ko to sa mga social media accounts ko to feed my ego at di ako masabihang binuntis lang at di pinakasalan.
Hanggang ngayon ay ganun pa rin ginagawa ko kahit LDR kami kasi di pa ako nakaka-move on sa mga nangyari and 1 year old na anak namin. Kung dati siya nag-iisip about annulment, ngayon ako naman. Pag naiisip ko kasi yung sinabi niya dati, parang nalulungkot ako. Di ko na matutupad yung dream wedding ko kasi kasalanan ko naman dahil pinilit ko yung kasal.
Ano kaya ang gagawin ko? Babaguhin ko ba sarili ko to save this marriage para sa anak ko o hindi?
Miss Pearl, 2018, BSED, UA
*do not copy/paste this content on any platform
Sana lahat kayang magtiis grabe
yes , try mong ikaw yung magbago. iparamdam mo sakanya yung dating kayo kahit malayo sya. malay mo sa pagbabago ng pakikitungo mo, marealize nya din kung ano mga naging mali nya, pero malay mo din may pinagiinitan naman syang bago don 😅 de jklng. kausapin mo sya in a nice and a positive way para sa anak nyo . hanggat hindi pa ganun katagal at kalalim lahat ng sugat. 😀😀
Alam mo naranasan ko din yan once sa partner ko may nahuli akong ka chat nya na babae. Nakakagalit oo pero una kong inisip anak ko gusto ko din magwala, manakit, sumigaw pero hindi ko ginawa kasi ayokong makita ng anak ko yung mga ganon bagay. Kung hindi nyo kayang magbago para sa isa’t isa at mas nagkakasakitan kayo then let go lagi mo lang sanang isipin na may anak kayo. At the end of the day, hindi ikaw o ang asawa mo ang TALO kundi ang anak mo. Sya ang mawawalan kasi kayo pwede pang maghanap ng partner pero ang anak nyo kayo lang pwedeng maging parents nyan. Halos araw-araw ako kinakain ng anxiety ko at nawala self confidence ko dahil sa ginawa nya. Pero ngayon kahit papaano Im building myself again. I hope you find the courage to leave or atleast have some patient talk to him isipin mo anak mo gusto mo bang nakikita kang ganyan.
Te choice mung mag stay sa kanya kaya WALA KANG KARAPATAN MAGALIT.
Kaya nga. Ulaga lang e HAHAHAH sya den
Mismo ang toxic
Naisip ko tuloy sender, what if ikaw naman yung mawalan ng pake (like kahit kunwari na lang) para hanap hanapin nya sayo, malay mo at magbago din sya. Kasi nagiging toxic ka na because ganun treatment nya sayo. Yun yung naging effect sayo. Aantayin mo pa ba na pati anak mo? Na maranasan nya at masaksihan nya mga ganyang ganap nyong mag asawa?
ewan ko ba pero parang parehas lang kayong mali kasi kung ganyan na pala trato sa’yo noon pa, bakit hindi mo iniwan? sabihin na nating may baby kayo pero isipin mo rin na yung baby nyo is lalaki sa ganyang environment at sistema ng parents nya. Hindi lang naman kayo yung maaapektuhan sa mga pinaggagagawa nyo e. Kung toxic sya tapos magiging toxic ka rin walang mangyayare sa relasyon nyo at mas lalong wag nyo na patagalin relasyon nyo kasi ginagawa mo lang komplikado sitwasyon mo ate. Nanghihingi ka ng advice kahit alam mo naman kung anong dapat gawin. Matatanda na kayo at may anak na pero parang hindi pa rin kayo natututo.
toxic relationshit na ang tawag dyan
Simula nang magkaroon ng work yung partner ko rn. I admit na naging super toxic ako sakanya. Kesyo chinachat sya ng workmate na girl, and puro girl yung workmate halos. Altho I have my own reasons to overthink. Yung girl na nagchchat sakanya yung naging dahilan para maalala ko yung mga dapat nasa past na. Nasasaktan ako and feeling ko wala syang paki, and told me na “bahala ka saktan mo sarili mo” (kakaisip) parang balewala sakanya na nagsselos ako. I always checks his acc and phone and pag nakikita ko yung girl sa chats nya. Nagaaway kami. Nasasaktan ko na sya and halos magpatayan na kami. I talked to him eventually, and he restricted me from checking his acc and phone. It’s fine by me kasi alam ko sa sarili ko na nagkaka mali na ako. So, I start to mind myself. I focused on myself and my own well being. Medyo gumaan and nag lessen away. May time na nabalik yung pag overthink ko sa girl but nac control na. And eventually, naging okay kami, he blocked the girl and never let anyone talked to him again. And I managed na kahit galit na ako di ko sya kakausapin or lalapitan kasi ayaw ko rin naman ng nakakasakit ako.
So I think it’s better you and your husband talk and set boundaries to yourself and your own feelings, if he can’t protect it before. Maybe you can protect it. Sending love po, I know u can do it!!
una palang mali na intentions mo para magpakasal, para lang di masabihan ng disgrasyada, tas ngayon ginagawa mong miserable buhay nyo pareho lol.
Alam mo sender, toxic relationshit na ang meron sainyong dalawa. parehas kayong may pagkakamali sa isat isa. at feeling ko, lagi kang inaanxiety.
i dont know. You are both toxic para sakin. You are hurting each other. Kungdati siya ang toxic, Ngayon eh halatang ikaw na. I know you felt betrayed. Pero kung ganyan din yung trato mo sa knya ngayon, magiging cycle niyo yan habang buhay. Sasaktan ka niya, gagantihan mo siya.
Sa totoo lang, ikaw ang may malaking pagkakamali sa takbo ng relasyon nyo ng asawa mo. Yung mga tapos na at nangyari na, binabalik balikan mo pa. You might need a professional help also kasi parang hindi stable ang takbo ng utak mo sa mga pinag gagagawa mo khit noong buntis ka pa. Hindi gawain ng taong nasa tamang pag iisip yang mga ginawa at ginagawa mo.
Masasabi ko sayo lalo na nagttrabaho sa barko yan every uwi nya get check lalo sa barko normal ang cheating. Mag-ingat ka.